Dahil may hangover pa ako sa pagkapanalo ni Pacman kanina for his 8th World Boxing title, e ito ang resulta: a blog about him.:) Naks! Fan?:D
Oo naman. Fan ako ni Manny Pacquiao. Proud ako dun! Why not? Siya lang naman ang nag-iisang taong nakakayang gawing zero crime rate ang Kamaynilaan tuwing araw ng laban niya. Oha? Kaya nyo yon? Kahit si Mayor Lim di kaya yun!:D
Tapos, dahil sa kanya nakakalimutan ko ang Abu Sayyaf, ang matagal nang magulong political system ng Pinas na kasing-gulo nitong buhok ko, ang lumalalang paglobo ng populasyon ng mga Pilipino at ang karumal-dumal na Maguindanao Massacre. 'Pag nakikita ko si Pacquiao sa mga interviews, sa dyaryo, magasin at iba pa, parang gusto ko sumigaw ng: "PILIPINO AKO! ANO NGAYON KUNG 3RD WORLD COUNTRY LANG ANG PILIPINAS? KAYO NA MAYAMAN! KAMI NAMAN NO.1 SA BOXING!" :D
Seriously speaking though, Manny Pacquiao is one of the many reasons why I'm proud to be Pinoy; among Charice Pempengco, Efren Peñaflorida, Efren Bata Reyes, Lea Salonga, Lino Brocka, Francis Magalona, Eraserheads, balot, sinigang, adobo, misa de gallo, Noli Me Tangere at El Filibusterismo.♥ In fact, I would love to live my second lifetime here in the Philippines given the chance. Seryoso. Walang halong biro. At mas lalong walang bakas ng pambobola. Mahal ko ang Pilipinas. Kahit, let's face it, mahirap lang tayo. Pero tingnan mo naman, pinapakita natin sa mundo na bumabangon tayo. Hindi na lang tayo basta pumapayag na magpabugbog, lumalaban tayo.
Sana lang hindi lang tuwing laban ni Pacquiao tayo nagkakaisa at pinangangalandakan ang pagiging Pilipino natin. Sana sa bawat araw na gagawin ng Diyos, ipagmalaki natin na Pilipino tayo sa isip, sa salita at sa gawa. Dahil pasalamat tayo at may kinagisnan tayong bayan at hindi lang basta mga dayuhan. Always wear your FILIPINO PRIDE.
Bakit parang ang seryoso? Haha! Congrats uli sa Pambansang Kamao, Manny 'PACMAN' Pacquiao! You made all and every Filipinos proud! God bless. Congrats Pilipinas! Represent!!:)
To God be the glory! Thank God I'm a Filipino!♥
PS: Hinarbat ko uli to sa FB Notes ko. Hehehe!:)))
0 comments:
Post a Comment