Friday, February 25

The Super Wazak Love Story

Posted by joeytearjerky at 2:42 PM
Hoookaaaay! I can do this! *ulit-ulitin hanggang matanggal ang kaba* *inhale exhale*

Ito na. Panu ba ang malupit na intro para dito? Bahala na.


Hindi ko inaasahan na maramdaman to sayo. Nakakaloka na sayo pa di ba? E dehins mo nga ako kilala at dehins pa rin kita nakikita..tayo nagkikita sa personal. Pero anong magagawa ko? Dehins ko rin naman pinlano to. Ang alam ko pa nga yun kapatid mo yung major major crush ko.. So bakit ngayon, ikaw na? Nakakainis. Nagmumukha na akong tanga na bigla-biglang ngingiti marinig ko lang o kaya maalala ko lang yun pangalan mo. Tapos pag najo-joey ako, ikaw ang naiisip ko..at ang mga pangarap ko para sa ating dalawa. Hahaha! Tapos nabubwisit, nalulungkot (sobraaa!!), nagseselos (ng bonggang-bongga!!) ako sa mga taong following mo sa Twitter! Nagre-reply ka kasi sa kanila! Tapos saken, hindi? Bwisit ka! Nasan naman ang katarungan dun? Peste..naiiyak na naman ako. *singhot-hugot tisyu-punas sa luha't sipon* *yucks*


Kelan ko nga ba na-realize to? Ah oo. Nung Friday last week..habang nagsusulat ako nung assignment sa Design of Metal Structures, bigla na lang kitang naalala. Tapos bigla na lang, nagulat ako kasi nag-init ang aking mga mata. Naluluha na pala ko at dahil lang yon sa na-realize kong mahal na kita. Bwisit. Nakakainis kasi totoo na. Walang halong ka-echosan. Walang bahid ng biro at kadramahan. Nakakabadtrip. Bakit sayo pa? Ngayon ko na nga lang uli naramdaman to..nung huli kong maramdaman to, ke *toot* pa! At highschool days pa yon ha! Tapos..ketagal ko pang hinintay na maramdaman uli to..bakit sayo pa? Bakit?? *iyak* *tawa* (baliw?)

Bakit nga ba ko naiiyak? Di ba dapat masaya? Ewan ko din. Nalulungkot ako e.. Siguro kasi, alam kong sa pangarap ko na lang ikaw magiging akin. Hahaha! At hanggang sa pangarap na lang din matutupad ang mga pangarap ko para sa ating dalawa. Dahil di mo naman ako kilala..ni hindi mo nga yata alam na nag-e-exist pala ako. Hay.. Ang lungkot. *Wasak na wasak ang puso ni Lastimak!* Wasak nga. :'(


Why do I always fall for the unreachable? Dang.





To you: Kahit wapakels ka sa'kin sa Twitter, labs pa din kita. Hahaha. Sana lang magreply ka na sa'kin kahit isang beses lang. Bwisit ka. Chos! Hahaha. I would be the happiest girl in the world if you do reply to me :)




*Imported from my FB Notes. By Joey Anne Roldan on Monday, February 14, 2011 at 9:14am*

0 comments:

Post a Comment

 

Define Joey Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review