Sunday, January 2

One Big Chos!

Posted by joeytearjerky at 9:35 PM
by Joey Anne Roldan on Wednesday, December 29, 2010 at 11:52am (Imported once again from my FB Notes ;P)
2 days na lang, Goodbye 2010 na? Excited ka na ba? Ako, hindi. Chos. Pero bago ko salubungin ang 2011 sa kanto, magpapasalamat muna ko sa mga piling taong nakasalamuha, nakapiling, nakasama, nakaplastikan, nakapoke-an sa buddypoke, naka-like-an ng posts, naka-tweet-an at nakateksan (uso pa ba yan? Chos uli!) ko ngayong 2010. Seryoso ako.

First of all, I want to thank my following sponsors: Folded & Hung for my hair & make up, Jing Monis Salon for my dress, wade for my accessories and Gems & Crystals for my shoes. Chos lang!! Ok. Seryosohan na talaga.

Sa lahat ng nag-like ng posts ko dito sa fb na hindi ko na iisa-isahin sa sobrang dami nila (o, wag ka ng mag-react! Note ko to e. Walang basagan ng trip!), salamat! Kahit alam kong binobola nyo lang ako na gusto nyo talaga yun posts ko. At nagpabola naman ako sa inyo. Hanep! Salamat.

Sa lahat ng bumili saken sa Friends For Sale, nag-add as a neighbor, nag-gift saken sa Farmville, Cafe World, Pet Society at Mafia Wars, dabest kayo! Hindi nyo lang alam kung gano nyo ko pinasaya tuwing ginagawa nyo yon. Kahit pare-pareho naman tayong walang napala roon, salamat pa din! Pa-add naman sa CityVille!

Sa lahat ng nagbasa ng Notes ko (na aminin natin at sa hindi e, wala naman talagang kalatoy-latoy lahat..parang ito.), nagbigay ng komento at nagpahayag ng pagsalungat at kritisismo (naks! Parang tunay!), maraming salamat! O anong natutunan mo? Me natutunan ka ba? Wala? Anak ng..

Sa lahat ng nag-remove friend saken dito at sa twitter at sa tumblr na rin, wag kang mag-alala, hindi ka kawalan. At ang masasabi ko lang, WAPAKELS!!

Sa lahat ng bumisita, tumambay at nagbasa ng blog ko (opo. May blog ako. Kunwari blogger. Haha. Ito yun: http://joeytearjerky.blogspot.com/), marami pong salamat sa inyo. Akala ko talaga walang nagbabasa nito a kami lang ang nakakaalam ni pareng World Wide Web na may blng ako, hindi pala. Meron naman pala. Dalawa ata sila. Chos. Wag po kayong mag-alala, paghuhusayan ko pa.


[O, yan na lang muna. Tinatamad na ko. Bukas uli. Hahaha.]
...after 4 days..saka ko lang uli na-update ito. Inabot na ng 2011! Hahaha. Spell laziness?? :P
At ako'y nagbabalik..

Sa lahat ng nagretweet at nagreply sa tweets ko, sa lahat ng naglike at nagreblog ng posts ko, at sa lahat ng followers ko sa Twitter at Tumblr, you are the dopest guys!! Mas love ko kayo kesa sa friends ko! Hahaha! (Hindi naman masyadong obvious na mas active ang aking virtual social life e no?:D)

Sa lahat ng nainis, nang-inis at nagpainis..TSE! :P

Sa lahat ng natuwa, nakisakay lang kunwari natutuwa, hindi natuwa..HAHAHAHA!!

Sa lahat ng kaibigan kong umalalay, tumulong, umunawa, umintindi, nagpakita ng concern sa'ken nung mga panahong down ako, sa mga nagpanggap na concern, at sa mga walang concern.. Da best kayo!

Sa mga crush ko na naging inspirasyon ko sa mga panahong bored ako sa buhay ko at feeling ko e wala na akong kapag-a-pag-asa.. Hindi ko na kayo iisa-isahin ha? Sobrang dami nyo e. :D Salamat sa inyo! Kayo ang dahilan kung bakit gusto ko pa rin mabuhay sa mundong to sa kabila ng hirap at pighati. Haha! (Hi Phil Younghusband!!:p)

Sa mga taong nanlibak ng aking kakayahan, nang-api at nang-alipusta sa aking pagkatao at antas sa lipunan, may araw din kayo saken! Babangon ako't dudurugin ko kayo! Chos!

Sa lahat ng inutangan at nautangan ko at nagpautang na rin.. Teka, bayad na ba ako? :D

Sa lahat ng nakitalon saken nung sumapit ang Jan. 1, 2010 12:00 am; nakipagbatuhan saken ng piccolo at pop pop; nakipagkulitan at nakikain samin matapos ang putukan at sa inyong dalawa na nakipagchikahan galore saken until 6am nung Jan. 1, 2010.. Ulitin natin! :)

Sa lahat ng nakasabay kong sumakay ng LRT, MRT, bus, jeep, trike, taxi, sidecar.. Wala lang. Hehe!

Sa lahat ng nakasabay kong mag-malling, maglakad sa kalye, manood ng sine at mag-cr sa restrooms ng SM Manila.. Walang lang din, hello! :D

Sa lahat ng nagpatawa, nakitawa at nagtawa saken.. Maraming maraming salamat! Kayo ang nagturo saken na hindi lahat ng bagay sa mundong ito ay kelangang seryosohin.

Sa lahat na rin ng nagpaiyak, iniyakan at umiyak dahil saken.. Salamat! Dahil sa inyo, nalaman kong may kakayahan pa rin pala akong makaramdam ng sakit.
At sa aking pamilya na laging handang umunawa, sumuporta at bigyan ako ng sakit ng ulo dahil ang gugulo nila lagi..Thank you so much! You are the solest reason why I'm like this.. ugh, cuh-razy? Hahaha! :))
THANK YOU SO MUCH, 2010!!! You will never be forgotten! Peace out!

0 comments:

Post a Comment

 

Define Joey Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review